🌟Abstract

Let's join Slime squad!

Abstract

Kasabay ng pagsulong ng teknolohiya ng Blockchain, ang mga NFT game ay mabilis na sumikat, kaya't humantong ito sa pagbabago ng tradisyonal na industriya ng paglalaro. Umaasa sa magandang kinabukasan ng mga NFT game, sinimulan namin ang proyektong ito sa hinggil sa mga sumusunod na tanong:

  • Paano nagiging matagumpay ang NFT game?

  • Bakit ang ilang NFT game ay nagtatagumpay habang ang iba ay hindi?

  • Ano ang pinakamalaking kalamangan ng mga NFT game laban sa mga tradisyonal na laro?

Batay sa sagot sa mga pangunahing tanong na ito, napag-alaman namin ang 4 na Pangunahing Prinsipyo para sa matagumpay na pagbuo ng Slime Royale. Ang mga pangunahing prinsipyo ay ang mga sumusunod:

1. Ang mga manlalaro ang dapat gumawa at ang mag may-ari ng mga digital na item ng laro.

Isa sa mga natatanging tampok ng mga NFT game ay: Ang manlalaro ay dapat ang gumawa at ang mag may-ari ng mga digital item sa laro. Ang mga karapatan ng may-ari ang pinakamakapangyarihang motibasyon na humihikayat sa mga manlalaro na isipin ang sarili bilang taga-gawa ng laro sa halip na mga manlalaro lamang. Sa teknolohiya ng Blockchain, ang mga in-game item at currency ay magiging digital asset, na kung saan ang mga may-ari ay mabilis na makipagpalitan at makabili sa sinuman sa mundo.

Ang mga tradisyonal na laro ay kumikita sa paghikayat sa mga manlalaro na bumili ng item mula sa mga developer ng laro, samantalang ang matagumpay na NFT Games ay dapat hikayatin ang mga manlalaro na bumili ng item mula sa isa't isa. Kaya naman lilimitahan ng Slime Royale ang sariling-paglalathala at sariling-pagbebenta ng mga NFT item; at tumakbo bilang isang platform kung saan sinusuportahan ang mga manlalaro na lumikha, magmay-ari, at makipagpalitan ng kanilang digital asset. Ang katotohanan na ang mga manlalaro ay gumagawa at nagmamay-ari ng lahat ng item sa laro ay kinakailangan para makabuo ng isang napapanatiling ecosystem batay sa pag-trade at pagpapalitan ng mga manlalaro.

2. Himukin ang mga manlalarong Play-to-Earn at Play-for-Fun

Ang isang kritikal na isyu na kinakaharap ng bawat NFT game sa market ay ang INFLATION.

Upang malutas ang problemang ito at makabuo ng isang napapanatiling sistemang pang-ekonomiya, ang aming bagong diskarte ay kailangang magkaroon ng Slime Royale ng atraksyon para sa parehong manlalarong Play-to-Earn at Play-for-Fun. Ang mga sumusunod ay ang mga taktika upang matulungan kaming maisakatuparan ang ideyang ito:

  • Ang Slime Royale ang unang NFT game na nagdisenyo ng BES - Balanseng Sistema ng Ekonomiya upang protektahan ang ekonomiya ng laro mula sa inflation at gawing ligtas ang benepisyo ng mga may-ari ng NFT.

  • Paggawa ng balanse sa pagitan ng mga manlalarong Play-to-Earn at Play-for-Fun. Tinitiyak namin na ang Slime Royale ay nagtataglay ng lahat ng pangunahing katangian ng isang masaya at nakakaintrigang laro. Hindi na kailangang sabihin na mas mahusay ang laro, mas maraming manlalaro ang matutuwang sumali, at ang pangangailangan na magmay-ari ng NFT Slime ay natural na tataas bilang resulta. (Pagbalanse sa pagitan ng Play-to-Earn at Play-for-Fun)

3. Interesanteng laro

Ang paghimok sa mga manlalarong Play-to-Earn ay isang mainam na paraan upang magsimula ng proyektong NFT. Makakatulong ito sa pagpapalaki ng kapital ng laro at magiging higit na kilala. Gayunpaman, ang pangmatagalang diskarte ay ang panatilihin ang mga manlalarong Play-for-Fun gamit ang storyline na kawili-wili upang mapigilan silang umalis. Kung kaya, ang aming pangunahing target, ay ang mga "Whale player' - ang mga taong handang magbayad ng malaking halaga para sa kasiyahan.

Talagang nauunawaan namin ang kahalagahan ng kaakit-akit na laro na nakakabit sa malaking bilang ng manlalaro. Mawawalan ng halaga ang mga item sa laro kung walang mag-aabala na kunin ang mga ito. At ang paglago ng presyo ng NFT ay hindi mapipigila na magwakas. Ito ang pinakamasamang sitwasyong nangyari sa Crypto Kitties Mania, isang laro na nagkaroon ng biglaang pag-angat at pagbagsak sa loob lamang ng tatlong buwan.

Sa pagsasaisip nito, nilalayon naming lumikha ng masaya at challenging na laro na nababagay sa lahat ng panlasa. Kakailanganin ng mga manlalaro ang mahusay na kasanayan sa pagbuo ng koponan batay sa lineup, taktika, klase, kakayahan sa pagkontrol ng laro upang manalo sa isang laban. At una sa lahat, gusto naming lumikha ng laro na aming mamahalin at gustong laruin.

(Mga detalye: PvE Mode, PvP Mode)

4. Kakayahang dalhin ito sa malaking market ng laro

Bagama't ang pinakamatagumpay na NFT game ay maaaring makahimok ng 2-3M na manlalaro, napakaliit na bilang lamang nito sa hanay ng mga customer sa malawak na market ng laro. (Ang buong mundo ay may 3 bilyong Video Gamer, ang mga Nangungunang laro ay maaaring makahimok mula 1 bilyon hanggang 1.5 bilyong manlalaro. Pinagmulan: https://www.statista.com/statistics/293304/number-video-gamers/).

Kung ang Slime Royale ay makakahimok ng dose-dosena o daan-daang milyong manlalaro, ito ay makapagdaragdag ng malaking halaga sa industriya ng paglalaro.

Batay sa 4 na Pangunahing Prinsipyo sa itaas, sinimulan naming buuhin ang Slime Royale.

Misyon

Bumuo ng isang masayang NFT game na may balanseng sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga manlalaro ay maaaring makakuha ng tunay na benepisyo habang nagsasaya. Free-to-Play, Play-and-Earn, Play-for-Fun, Pay-for-Fun, Invest-to-Earn, kahit anong uri ka ng player, masisiyahan ka sa Slime Royale.

Pananaw

Gumawa ng NFT game na nagpapasaya sa milyun-milyong manlalaro ng lahat ng uri at makagawa ng pambihirang tagumpay sa industriya ng paglalaro.

Note:

  • Link to the English version: https://whitepaper.slimeroyale.com/

  • We're open to comments. If you think there's room for improvement in the quality of this translation, please send us your feedback to contact@slimeroyale.com.

Last updated