Class at Genetics at Attributes
Last updated
Last updated
Mayroong 6 Class na may iba’t ibang tampok:
Tank: Mataas na kakayahan sa pagdepensa at mataas na Hp
Warrior: Balanseng abilidad sa paglaban
Assassin: Abilidad na makagawa ng malaking pinsala sa isang target
Mage: Abilidad na makagawa ng AoE damage
Archer: Abilidad na makagawa ng malayuang pinsala
Support: Abilidad na pagalingin at suportahan ang mga ka-team.
Ang bawat class ay gumaganap sa iba't ibang papel sa pangkat, ang class ng magulang ng Slime ay magmamana sa anak ng Slime. Bawat class ay may kakaibang kasanayan na ililipat lamang sa mga bata kung ang mga bata ay kapareho ng class ng kanilang mga magulang.
Ang Slime ay may 7 iba't ibang uri ng gene na maaaring ilipat sa Baby Slime:
Marka: marka sa gitna ng noo na tumutukoy sa klase ng Slime.
Pakpak: buff sa pamumuno na nakakaimpluwensya sa stats ng buong pangkat.
Ekspresyon ng mukha: passive buff sa sarili na nakakaapekto sa Characteristic ng Slime.
Katawan: passive buff sa isa sa mga attribute ng Slime..
Gilid ng ulo: passive buff sa isa sa mga attribute ng Slime.
Itaas ng ulo: naaapektuhan ang Normal na atake.
Buntot: naaapektuhan ang Special Skill.
Ang mga talento ay maipapasa lamang sa mga Slime ng parehong klase, ibig sabihin kung anong talento ang mamanahin ng isang Baby Slime ay depende kung ito ay may marka ng kanyang amang Slime o inang Slime.
Ang Class ng Slime ay matutukoy sa gene nito, na sa kalaunan ay makaiimpluwensya sa mga istatistika mismo ng Slime. Ang bawat Class ay nagdadala ng natatanging Perfect gene set. May kabuuang 4 na generic na uri sa herarkiya ng lakas: SS > S > A > B na tumutugma sa mga tier ng Slime. Sa madaling salita, ang mga istatistika ng isang Slime na may mas maraming S gene ay magiging mas mataas kaysa sa mga may B gene.
Ang mga Legendary Slime ay nagtataglay ng isang buong gene set ng SS (ang SS gene ay matatagpuan lamang sa mga Legendary Slime)
Ang mga Perfect Slime ay may S gene lahat.
Ang iba pang uri ng Slime ay maaaring maging random na S - A - B na gene
Tandaan: ang rarity ng isang bahagi ng katawan ay nag-iiba batay sa Marka ng Slime.
Nagtataglay ng mga natatanging kaugalian at katangian, walang Slime ang pareho, at samakatuwid, walang formation ng pangkat ang humahantong sa parehong resulta ng labanan. Narito ang gabay upang matulungan kang suriin ang mga lakas ng iyong Slime at magpasya sa pinakamahusay na estratehiya na maisasagawa.
ATK: Tinutukoy ng Attack Points ang abilidad ng isang Slime na gumawa ng pisikal na atake. Ang mga Slime na may mas mataas na Attack Points ay nakakagawa ng mas malaking pinsala sa mga kalaban.
DEF: Ang Defense Points ay sumusukat sa abilidad na dumepensa ng Slime. Nakakatulong ang High DEF na mapataas ang pagkakataon na mabuhay ang Slime sa pagbawas sa pinsala mula sa isang pag-atake.
HP: Ang Health Point ay naglalarawan ng tsansang makaligtas sa labanan ng Slime. Mas mataas ang stat na ito, mas malaking pinsala ang makakaya ng Slime.
ATK Spd: Tinutukoy ng Attack Speed ang oras na kinakailangan upang magsagawa ng normal na pag-atake ang Slime. Ang stat na ito ay nasa direktang ratio sa sukat ng DPS (pinsala bawat segundo) at nagbibigay sa mga manlalaro ng malaking kalamangan upang manalo sa labanan.
Movement Spd: Ang Movement Speed ay ang bilis ng paggalaw ng Slime mula sa isang lugar patungo sa susunod.
CRIT Rate: Ang Critical Rate ay ang posibilidad na magdulot ang pag-atake ng Slime ng nakamamatay na pinsala sa kalaban.
CRIT Dmg: Ang Critical Damage ay sinusukat sa antas ng pinsalang dulot ng isang kritikal na atake.
Skill Cooldown ay ang tagal ng oras na kailangan upang magamit muli ang isang espesyal na skill. Halimbawa, ang isang skill na may cooldown na 10 segundo ay maaaring gamitin muli bawat 10 segundo.
Skill Dmg: ang Skill Damage ay ang antas ng pinsalang dulot ng espesyal na skill ng Slime.
Attack Range: ay ang pinakamalayong distansya na maaaring maisagawa ang pagatake ng Slime.
Tinutukoy ng Target point kung ang isang Slime ay maaaring umatake sa isa o maraming target nang sabay-sabay.
Ang Vision point ay ang kakayahan ng isang Slime na makilala ang halimaw sa paligid nito.
Bagama't ang mga in-born na katangian ay maaaring manatiling matatag sa paglipas ng panahon, maraming paraan upang i-upgrade ng mga manlalaro ang kanilang Slime at pataasin ang posibilidad na manalo.
Leadership Buff: Mayroong 6 na Stellar na nakatago sa bawat Slime na maaaring mabuksan gamit ang isang espesyal na ritwal. Ang Stellar ng isang Slime ay tinukoy at apektado ng Mark na ito. Sa tuwing ang isang Stellar ay "nagigising", ang antas ng kapangyarihan ng isang Slime ay tumataas nang husto at kung kaya mapapalaki nito ang tsansang manalo sa isang laban.
Tandaan: Ang Friendship level ay babalik sa 0 kapag inilipat ang pagmamay-ari ng Slime sa ibang tao. Gayunpaman, mananatili ang 50% ng Friendship point kung ite-trade ito sa Marketplace ng Slime Royale.
Adventure Point: Ang mga slime ay matatapang na adventurer na may matinding kagustuhang galugarin ang mundo. Hayaang gumala ang iyong mga Slime sa pag-trade sa mga ito sa Slime Royale Marketplace. Tumataas lang ang Adventure Time ng Slime kapag nagte-trade sa Marketplace. Lumalakas sila habang tumataas ang bilang na ito. Sa ilang kaso, kahit na bihira, ang mga Slime ay maaaring lumagpas pa sa kanilang limitasyon sa kanilang mga travel experience point.
Willingness: Ang mga slime ay mga nilalang na mapagmahal sa kapayapaan. Sila ay laban sa pakikipaglaban, lalo na sa kanilang mga kapwa Slime. Samakatuwid, ang kanilang pagpayag na lumaban ay magsisimulang bumaba kapag sila ay sumali sa isang labanan. Sa mas espesipikong paliwanag, ang bawat NFT Slime ay may 300 puntos na pagpayag pagkapanganak. Mula sa unang labanan, bumababa ang stat na ito ng isang puntos bawat araw at kung mas mababa ito sa 100, unti-unting bababa ang lakas ng Slime sa mga labanan sa PvP.
80-99: menor na bawas
60-79: kaunting bawas
40-59: bahagyang bawas
20-39: katamtamang bawas
0-19: malaking bawas
Note:
We're open to comments. If you think there's room for improvement in the quality of this translation, please send us your feedback at contact@slimeroyale.com.
: Mayroong 6 na Stellar na nakatago sa bawat Slime na maaaring mabuksan gamit ang isang espesyal na ritwal. Ang Stellar ng isang Slime ay tinukoy at apektado ng Mark na ito. Sa tuwing ang isang Stellar ay "nagigising", ang antas ng kapangyarihan ng isang Slime ay tataas nang husto at kung kaya mapapalaki ang tsansa nitong manalo sa isang laban.
: ang Friendship score ay hindi lamang nagpapakita kung gaano kayo kalapit ng iyong Slime, ngunit nakakagulat na may epekto sa mga attribute ng iyong Slime, ibig sabihin, kapag mas mataas ang antas nito, mas lumalakas ang Slime. Kaya siguraduhing alagaang mabuti ang iyong Slime upang maging isang malakas na karakter sa labanan.
Link to the English version: